| Story of my life part 2 hollered by yousirname at 07:30 AM . |
|
|
Angelica: O sige wag nyo nang iba-ibahin pa nagets ko naman eh. Ang katunayan nyan si Kathleen ay isang Batang palabuy dati magkasama sila ng Kapatid nyang si Joanne sa lahat ng hirap na pinagdadaanan hanggang sa mapunta sila kamay ng isang sidikato na ginagamit ang mga bata upang manlimos sa lansangan at kung wala kang maibigay na pera sa kanya ay magugulpi ka ang tawag dito ay “No Toll Fee Gulpi” hindi lang isa kundi napaka daming beses na inalipusta ang magkapatid hanggang sa isang araw ay nahuli ng batas ang Sindikatong ito at napunta ang mga bata sa isang bahay ampunan. Hindi na naman naging madali ang kanilang naging pamumumay dahil ang nangangasiwa sa bahay ampunan na ito ay kasing sungit ni Miss Minchin sa palabas na Sarah ang munting Prinsesa. Kahit kelan sa buhay ng Magkapatid ay hindi sila nakaranas ng kasiyahan kung kayat ang lahat ng Tatlong mukha ng kasamaan ay nataglay nila Ang Galit,Poot at Kasakiman at sya ring naging paraan upang maging lapastangan sila sa pagbuklat ng isang napakahalagang aklat na tanging ang ampunan lamang ang may hawak. Ang aklat ng Jey El Ey dun narin nagumpisa ang lahat natutunan nila ang nilalaman ng aklat at nagtakwil sila sa pamahalaan. *Aklat Jey El Ey – isang aklat ng Wizzard at Witch na naglalaman ng mga Black Magic Spells. Ayen: Kaya pala Kathleen is making bad things dahil sa kanyang nakaraan. Angelica: Oo tama ka kaya ng naaawa din ako sa kanya kaya kahit anong kasamaan ang gawin nya ay hindi ko sya pinapakealaman dahil alam kong balang araw maiisaalang-alang din nya ang tama at mali. Charmaine: Kung gayon hindi likas na masama si Kathleen isa lang syang Baboy na nawawala sa kanyang kulungan in other way of explaination si Kathleen ay isang Tupa na nawawala ang Pastol. *At habang nagpapaliwanag si Charmaine tungkol sa mga bagay-bagay ang hukbo ni MaryRose ay malapit na ring makarating sa bayan ng Hesto Lis Yows. Kawal: Heneral, may kung anu po na sumasalubong sa ating daraanan. MaryRose: Hmmm. Ang Bandilang yon pamilyar yun sakin. Kawal: Heneral, may paparating din sa kaliwa at kanang bahagi natin. MaryRose: Tama naaalala ko na. Ang bandila ng Kahariang Josenia ni DonJohn ang bandila ng Kahariang Flor De Lis ni Ronnie at ang bandila ng Kahariang Morning Glory ni Michael kung ganun lahat sila ay nandito liban sa isa. Ang DAMATANS ang aking kalaban kung gayon. Hihihi. Humanda sa paglaban!! DonJohn: Tigil!! Ronnie: Stop!! Michael: Teka!! MaryRose: Kung ganun ang iyong Hukbo laban sa aming Hukbo? Hihihi sa tingin nyo ba ay mananalo kayo saamin? Raymond: Asan si Jedric!? Jedric: Nandito ako Raymond [Tinanggal ang Helmet at pumunta ng front stage] Raymond: Anung ginagawa mo sa loob ng Silid na yan ni MaryRose? Hindi kaya. Jedric: Tama.[Nagaanu kayo noh sambit ni Raymond] Tama ang iniisip mo. Sira ulo hindi yun ang ibig kung ipahiwatig ang nais kung iparamdam ay nagtaksil ako sa samahan nating DAMATANS! *Baka nagtataka kayo kung saan nakuha ang Silid bale may kubo na buhat-buhat ang mga alagad ni MaryRose. Agree ako kay Mond (Raymond) baka nga siguro nagaanu sila dun diba silang dalawa lang eh. Nagpaplano kayo naman masyado kayong Grin Minded. Jedric: Tama ang Narrator nagpaplano kami kung pano namin hahanapin ang aming Master na si Joanne. Sawang-sawa narin kasi ako sa pamumuno mo bilang Leader ng DAMATANS Raymond. Kung ako sana ang ginawa nyong Leader hindi sana ako magaaklas.Huhuhu. Micheal: Napaka sama mo tinawag mo akong sira ulo samantalang ayos ang ulo ko! Jedric: Si Raymond ang sinabihan ko sira ulo. DonJohn: Kaya pala hindi na nakabalik ang pinadala kong Mensahero sa kanya at natagpuan na lamang na patay ay dahil isa syang Taksil! Michael: Hindi ko alam kung pano mo nagawa samin ito matapus ang ilang ulit na mga bagay pinagsamahan natin hindi kita mapapatawad sa pagtatasik mo sa samahan natin at higit sa lahat sa pagsabi ng sira ang ulo ko. Ronnie: Wala na kong pake kung kalaban ka ngayon basta ang alam ko nandito tayo ngayon para makipaglaban. CHARGE!! Micheal: Sugpuin silang lahat!! DonJohn: Sugod! Mens! Basta tandaan nyo wag nyong sasaktan sila Raymond at Zara. MaryRose: “Pampatapang Spell” humanda kayo sakin isa rin yata akong TIDEBAR WARRIOR kung hindi nyo alam! Kawal: Sobrang tapang ko na!! Ronnie: Talaga matapang ka na? Kawal: Oo sobrang tapang ko na! Ronnie: Sige kung talagang matapang ka sasakin mo nga sarili mo? Kawal: Oo kahit saksakin ko pa sarili ko [Tsug] ah…. Ronnie: Matapang lang pala sila pero wala silang utak! Kawal: anong wala meron! Micheal: Sige nga pakita mo nga? Kawal: Ayaw nyo maniwala ha [Tsikk] waa…… Micheal: Oo nga tama si Ronnie walang utak ang mga kalaban! Kawal[Josenia]: gayahin natin yung technique ng ating mga Hari!! Kawal[Flor De Lis]: Matapang ka ba! Kawal: Oo! Kawal[Flor De Lis]: Kung matapang sinong Nanay mo? Kawal: Wala akong pananaw sa Nanay ko! [weessk tapyas si tanga] *Makalipas ang ilang oras na pagpapalitan ng sundutan,laslasan,hiwaan,putolan at tangahan nagkakitaan na sila kung sino ang lamang at hindi. MaryRose: Medyo dehado tayo pag wala ang pwersa ni Rowela madali umatras na muna tayo sa ngayon! Raymond: Zara,tara na ito ang pagkakataon upang tayoy makatakas. Jedric: San naman kayo sa tingin nyo pupunta? [Tinutukan sila ng baril katulad ng mga ginagawa ng mga Kalaban tuwing may tatakas na Bida] Raymond: Kung ako sayo hindi ko gagawin yan. Jedric: At bakit naman hindi? Anong gagawin mo? Tatawag ng pulis? [Mabilis na kulimilos si Raymond upang agawin ang baril kay Jedric at katulad sa mga napakaraming pelikulang pinoy nakalabit ng isa sa kanila ang trigger](BOOOMM!! Sound effect ng putok ng baril) Zara: Raymonddd!!!! [Sigaw ng wala ng bukas katulad sa mga Teleserye sa T.V.] (kaya ng Tele diba?) Jedric: Huhuhu. Tignan mo ang sarili mo ngayon nakakaawang nilalang. Sige gapang gumapang ka hanggat may lupa kang gingapngan. Sulitin mo na ang bawat sandali mo ngayon sa mundong ito dahil mamatay ka na. Bye bye [BOOOMM putok ng baril] Zara: Raymonddd!!! Raymond: Bakit? Anu yun? Jedric: Panung? DonJohn: Tandaan mo hindi lahat ng Pelikula makaluma at laging namamatay ang isa sa mga Bida may mga ganto talagang eksena. [Pagkatapus mapakinggan ang speech ni DonJohn ay automatic na namatay si Jedric.] Raymond: aha aha aha [Inuubo hindi tumatawa] DonJohn ikaw na ang pumalit sa aking pwesto bilang Leader ng DAMATANS. Zara sabihin mo sa anak natin na magpakabait sya magaral ng mabuti wag magpapakagabi sa labas at higit sa lahat mahal ko sya. Zara: Pero, Hindi ka pa dito mamamatay dun sa isang kwento buhay ka hanggang natapus yung kwento. Raymond: Ibang version to ano ka ba. Tandaan mo mahal kita at ikaw na ang bahala sa ating anak. Zara ikaw narin ang maghuhugas ng pinagkainan at maglalaba ha. Zara: Wag kang magalala kukuha na ko ng katulong natin sa Kaharian. Ronnie: Raymond! DonJohn panalo tay [natigilan at nagkulang ng letrang O ang TAYO nang nakita nyang nagaagaw buhay si Raymond] Micheal: [Lumapit sa kanila] Teka anung nangyayari dit [natigilan din at nagkulang din ng letrang O ang kayang DITO] Raymond: Bat nung Buhay pa ko hindi ka kumukuha ng Katulong? Zara: Hindi ka pa naman patay eh buhay ka pa anu ka ba tsaka isa pa nung ikaw TAGA (Tagaluto,tagalaba,tagahugas,tagalinis at kung anu-anu pang Taga) kayang-kaya mo naman eh kaya hindi na ko kumuha. Raymond: Buti nalang pala namatay na ko sa kwento. O pano guys iwan ko na kayo ha. [At namatay na nga si Haring Raymond ng Cadena De Amor] Zara: Raymondddd!!! [Isinigaw ang pangalan ni Raymond sa taas ng Camera katulad ng sa Teleseryeng Pieta] *Samantala sa panig naman ng ating tatlong Bida. Jason: Wait.Where do we go next? We already pass the Sahara Desert and cross the Air Plane Plain so next comes? (Tumunganga ang tatlo habang hinihintay ang pag click ng arrow ng mouse sa icon ng Martha`s Lair) James,Jojean: Martha`s Lair! Jason: Right! (Umawit na naman ang tatlo ng kanta ni Dora habang tinutungo ang distinasyon.) (Nang marating nila ang lugar ay may pumana kay James pero buti na lamang ay mabilis ang kanyang pagilag na maihahalintulad sa batang mabilis na pumatay ng DVD player upang hindi makita ng magulang ang pinapanood na Hentai o Porn) James: Wew muntik na ko dun ah akala mo ha marunong ata to umilag ng Jumong mabilis kilos ko men. Jojean: Sino ka? Magpakita ka bading! Alexa: Ok. Sigeh magpapakitah nah koh.ahahahah Jason: Teka. Diba patay ka na? wala ka na ngang ulo nung iniwan ka namin ah. Miyuki: Hahaha. Kamusta kayo dyan?! James: Ok lang kaw? Russel: Hehehe. Ako nga pala si Russel ang syang muling bumuhay sa kanila, oo tama ang iniisp nyo isa nga akong Necromancer. Jojean: Di yun nasa isip ko repa noobs ampota. Jason: hmhmhm noobs. Russel: Tawa-tawa pa kayo dyan ha tignan natin kung makatawa pa kayo mamaya Twin Sisters labas! Karrel,Carina: Kapangyarihan [Nagnanay-Tatay] ng araw [kumembot] taglay [naguntugan ng pwet] ay lakas [humalik sa singsing] SuperTwins!! (Tama ba yung kanta?) James: Anung meron dun? Di naman kayo nagpalit ng costume? Jojean: Hala ka Son. Jason: Di yan nasa kwento tayo eh. Karrel,Carina: Kami na ang bahala dun sa dalawa. Jeza: Teka, kasali pa ko noh. Akin si Jason oi. Kristine: Teka magpray muna tayo. Aurora: O sige kung ganun. Russel: Put@&^%*#$ dun na kayo wag na kayong magpray dyan. James: Mukhang delecates tayo ah. Jojean: Oo nga. Dun palang sa pwersa kanina ni Miyuki tagilid na tayo pano pa kayangayon kasama nila si Alexa,Russel,Carina at Karrel. Jason: Magpray nalang kaya tayo ulit? *Habang nawawalan ng pag-asa ang tatlo ay may biglang dalawang taong nagmula sa kalangitan at lumapag sa kanilang harapan. Jojean: Yunnnn. Nice Kenneth. Jason: Pati ikaw Luigi? Nandito ba kayo para tulungan kami? Kenneth: Lets get it on. “Miss Independent Sportfest Champion Spell” Luigi: Lets gereron. “Mr. Yoso Summon” Mr. Yoso: Master tinawag po ninyo ako? Luigi: Lets gereron! James: “Summon Saging!” ----- “Saging Shower!” Jojean: Son tara support mo ko. Jason: Sige lang. Miyuki: tikman nyo ngayon ang pinakamalakas kong Magic! “Blue Magic” [Lumabas si higanteng Teddy ni Mr. Bean at imatake sa kalaban] Aurora: “Psycho Killer Attack” [Naging tuluyan ng Psycho si Aurora at nansasaksak ng ballpen] Kristine: I Bring peace and no harm. Russel: Sira ulo hindi sila Alien katulad mo kaya sumugod kana! Kristine: Ikaw kaya sumugod noh utos ka ng utos eh. Russel: Taga buhay lang ako ng patay sa kwentong to wala akong kakayahang lumaban kaya taga utos nalang ako ha. Karrel,Carina: Tabi dyan! “Tornado attack” [Magkahawak ang kamay habang umikot na parang tanga pero oras na matamaan ka nila. Wala lang tatamaan ka lang] *Dahil sa napakatagal na labanan nila inabot na sila ng hapon at maggagabi na within 5 seconds kaya tutungo muna tayo kay Kathleen. Kathleen: Sa tingin ko kelangan ko nang pumunta sa Kaharian ko mabuti nalang at pwede akong magteleport papunta dun. “Teleportation” [Nateleport si Kathleen patungong kanyang kaharian] Aba tignan mo nga naman walang pinagbago ang Kaharian ko ganun parin puro kupas parin ang sabi sakin ni Angelica nandito daw ang orihinal na katawan ko.[Naghanap si Kathleen at inabot sya ng Limang oras sa paghahanap at sa wakas matapus ang napatagal nyang paghahanap ay nakita rin nya ang kanyang katawan sya ding saktong oras ng pagkapanalo nila Jojean,James,Jason,Kenneth sa laban pero teka pano sila nanalo? Tara at ating balikan] Karrel,Carina: Ayaw na namin hilong-hilo na kami, nasusuka na kami. Russel: Sino kasing nagsabing umikot lang kayo ng umikot mga baliw. Luigi: May alam akong istilo na pwedeng makatalo sa kanila pero ang kapalit nito ang sarili kong buhay. Jojean: Go! Luigi kaya mo yan gawin mo na! Luigi: Hindi ba kayo magugulat at pipigilan ako? James: anung magugulat ba yun? Basta kung san ka maskomportable dun din kami, ngayon kung magsusuicide ka, Go Luigi kaya mo yan gawin mo na! Jason: Ganun ang sa palagay ko Luigi. Go! Luigi kaya mo yan gawin mo na! Kenneth: Sige lang Luigi, walang pumipigil sayo kung san ka malulungkot dun din kami. Luigi: Kung ganun magsusuicide na ko pero kelangan nyo munang lumayo sakin para di kayo masama sa pagsabog ko (Kanina pa kami nakalayo sayo Luigi!!) Kung ganun eto na ang oras para gamitin ang secret ultimate combo technique ko (Tama na ang daldal Luigi Boom ka na!) “Super Duper Hyper Mega Ultra To The Highest Level Todo na to! Maximum Explosion!” (BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMM!!!!!!!!!!!!) Miyuki: Nooooooo. Russel: Wayyyyyyy. Alexa: heheheh, noh way. Kristine: Amen. Aurora: GRarr. Jeza: Super S! Karrel: Weeee,KJ. Carina: Wala na uwian na. Teddy: mesta Bin! *Dahil sa kabayanihan ni Luigi nanalo sila sa kanilang laban at ipinagpatuloy ang pagpunta sa Martha`s Lair samantala sa panig naman ni Kathleen. Kathleen: Bwahahaha. Sa wakas ang aking katawan natagpuan ko na!!! Teka asan yung sinasabing bantay ni Angelica?(to-to-tot-to-tot-to-to-tot.) teka may nagtext [binasa ang kanyang text message] *Dear Master Kathleen amin pong ipinapahayag sa text na to na ang inyo pong kapatid na si Joanne ay muli nang nabuhay at kasalukyan po kaming nandito ngayon sa bundok FC-Cubao (Firing Club) sa pagitan ng dalawang Tore ng Athena at Aphrodite lubos na gumagalang Rowela. Pero papano sya ulit nabuhay? Kung sabagay di na importante yun dahil ang tunay kung katawan ay nasa harapan ko na bwahahaha ngayon oras na para bumalik sa katawan kong tunay. [Bumabalik na ang Kaluluwa ni Kathleen sa kanyang tunay na Katawan] *Bumalik naman tayo sa ating tatlong bida. Martha: Opppss. Hanggang dyan nalang kayo! James: Teka sino ka? Martha: Ako si Martha bakit? Jason: Akala ko ba anting-anting ka? Martha: Tsss. Pano ako magiging anting-anting eh tao ako. Jojean: Maging anting-anting ka na kasi para matalo na namin si Kathleen at matapus na ang kwentong to. Martha: Si Kathleen ba ang sabi mo? James: Kelangan pa bang ispell sayo capital K-A-T-H-L-E-E-N Kathleen. Martha: Bat naging small na? James: Tsss. Martha: Tsss. Sige na nga tutulungan ko na nga kayo. Ano san tayo punta? Jason: bale pag nakuha ka daw namin este makasama ka namin pupunta daw tayo sa bundok FC-Cubao. Jojean: San mo nakuha yun Son? Jason: Dun sa utak ni Doc. Tara na anu pang ginagawa natin dito? *Umabot kaya sila sa tamang oras? Anu ang mangyayari kay ayen oras na makalipat na ng katawan si Kathleen? Asan na ang DAMATANS? Abangan bukas sa ganto ding oras alas eleven ng gabi hanggang dito nalang muna ako tulog na ko at bukas ko na itutuloy to. (^.^ totoo po kaya yan, matutulog po talaga kaya ako tapus itutuloy ko bukas.) *Dahil sa sinabi ni Jason agad na pumunta silang tatlo sa bundok ng FC-Cubao at matapus ang matagal na proseso ng paglipat ng katawan ay nakalipat na si Kathleen ng Katawan. Ayen: Huh? Asan na naman kaya ako? The Err naman oh. Kathleen: Bwahahaha. Hindi na kita kelangan pa humanda ka na sa kamatayan mo! Charmaine: Hanggang dyan ka lang Kathleen. Mahal na Prinsesa tumakas na po kayo ako na po ang bahala muna dito. Ayen: Pero pano ka mamamatay ka lang pagkinalaban mo sya. Charmaine: Alam ko po yun kaya nga gagawin ko to dahil ayoko ng madaming role. Ayen: Anjologs mo, bala ka nga dyan. [Kunyari pa si Ayen na ayaw umalis ngunit ang katotohanan ay napakabilis nyang tumakbo palayo] Kathleen: Hmmm. Ikaw lang ba ang lalaban sakin? Anung gagawin mo sakin? Patawa? Charmaine: Wala sa height ang lakas nasa performance, bat di mo ko subukan? Kathleen: “Lechon De Leche” [Lumabas ang dambuhalang Baboy mula sa bunganga ni Kathleen papunta kay Charmaine] Charmaine: [Mabilis na nakailag si Charmaine sa pagatake ni Kathleen] Humanda ka sa sandata kong Librooks kayang kaya ka nilang guntingin sa madaming piraso. [Librooks – isang gunting na guhis libro] Kathleen: Nakakatuwa talaga kayo nung una binalak akong tapusin sa pamamagitan ng buhok ngayon naman gunting? Ano sa tingin mo ang gagawin ng gunting mo sa malabakal kong katawa? Charmaine: Anu pa edi gugupitan kita. [Ginupitan ni Charmaine si Kathleen] Kathleen: Pwes kung tapus ka na ako naman. “Higantes Festival” [Lumaki si Kathleen ng isang daang beses at sa sobrang laki nito ay nawasak ang Kastilyo] humanda ka sakin. Wala pala sa laki ang lakas ha tignan natin kung masabi mo pa yan kapagnatapakan na kita. [Tinapakan ni Kathleen si Charmaine na syang naging badya upang matalo ito] Charmaine: Kahit maliit ako hindi ako nagiisa! (Martha: Achoo.[Nabahing] bat ganto nagtataasan balahibo ko. James: ayus ka lang ba? Martha: May nakaalala ata sakin eh. Jojean: Oo nga sa tingin ko din. Jason: Sige may naaalala na din ako para lahat tayo meron.) Kathleen: Paalam na sayo Charmaine.[Blag! Napisat si Charmaine] masyado ata akong napatagal dito baka hinihintay na ko ng kapatid ko. *Umalis na si Kathleen sa Palasyo patungong FC-Cubao na hindi man lang napapansin ang isang bagay na nagmamasid sa kanya. At katulad sa mga Anime kuminang ang isa nitong mata. Joanne: Madali ilagay na lahat ng Bateryang kelangan! Rowela: Para san po ba ang mga bateryang ito Master Joanne? Joanne: Hindi nyo ba napapansin ang kinatatayuan natin? Ang Bundok ng FC-Cubao ang isang malaking kanyon na ginagamitan ng baterya upang makapagpaputok. Kayang kaya ng kanyon na ito na wasakin ang isang bayan sa isang bala lamang ngunit mahal ang bala may presyo ito na 100 pesos] *Habang tumatakbo si Ayen ay nakabangga nya ang ating mga bida Ayen: Anu ba! Hindi ba kayo marunong umilag? James: Ikaw yung sasalubong kami iilag anu ka batas? Ayen: Oo! Jojean: Teka, Prinsesa Ayen ikaw nga! Jason: Oo alam namin di kami bulag. Martha: Tsss. Ayen: Teka kayo yung mga pinadala ng Ama kong Hari diba? Asan na ang anting-anting Martha? Martha: Anu ba tao nga ako ang kulit naman oh. Ayen: Wow nakakapagsalita yung anting-anting. Jojean: Ahhhh. Jason: Jojean, hayaan mo na sya sa paniniwala nya tara nalang. Jojean: Oo nga sa tingin ko nga. Ayen: Ah alam ko na isa kang pokemon, siguro ikaw si Marthamon ano? Martha: Ang kulit naman nito sabing tao nga ako bat ba di mo ko maintindihan? Ayen: Naiintindihan kita anu ka ba, ang galing mo ngang pokemon eh nakakapagsalita ka para kang c Meowt. *Habang nagpapaliwanag si Martha kay Ayen na tao sya ay nakarating na si Kathleen sa Bundok ng FC-Cubao at nakabalik na rin si MaryRose sa Kastilyo ng Cadena De Amor. MaryRose: Nakarating din tayo sa wakas,teka asan ang mga kawal? Extra: Heneral MaryRose kasalukuyan po silang nasa FC-Cubao ngayon dahil po natagpuan na po si Master Joanne at muli nang nabuhay sa pamamagitan ng isang masamang Priest na renentahan pa po ni Rowela. MaryRose: Kung gayon mga Kawal pupunta tayo sa FC-Cubao at baka kailanganin tayo ng ating mga Master. *Samantala Kathleen: [Nagkita na ang magkapatid at yumakap sa isat-isa] Kapatid kamusta ka na? Joanne: Ito chubby padin mhahaha. Kathleen: Pero papano ka muling nabuhay? Joanne: Sya nga pala si Isaah ang masamang Priest na bumuhay sakin Kapatid. Kathleen: Pasensya ka na kung hindi ako ang nakabuhay sayo Kapatid hinahanap ko din kasi ang aking tunay na Katawan kung kayat busy ako. Joanne: Ok lang yun Kapatid ang importante ay ang muli na naman nating pamumuno sa Mundong ito mhahaha. Kathleen: Anu nga pala ang ginagawa mo dito Kapatid? Joanne: Nandito ako dahil isa na akong ngayong TRIGGER HAPPY nais ko sanang pasabugin ang mga Kastilyo ng ating mga kalaban sa pamamagitan ng higanteng kanyon na ito. Kathleen: Ganoon ba Kapatid kung gayon hayaan mo na tulungan kita sa iyong binabalak. Rowela: Master Joanne handa na po ang kanyon saan nyo po ba ito gusting itutuk? Joanne: Sa Kaharian ng Cadena De Amor! Jojean: Hanggang dyan nalang kayo mga repa, nandito na kami para tapusin ang inyong mga maliligayang sandal! Ayen: Kathleen alam na naming ang inyong naging nakaraan [Tumugtog ang Kaliedoscope world na kanta bilang background music ng kanilang emoments] alam namin na hindi kayo likas na masama ni Joanne alam naming na kelangan nyo lang ng mga taong magmamahal sa inyo [Tumugtog naman ang Your Call pamalit sa Kaliedoscope world] Kathleen: [Natatouch] Hindi ko alam ang gagawin ko noon, hindi din namin matagalan ang mga bagay na ginagawa saamin, nagmistulan kaming mga basura alam nyo ba ang pakiramdam ng isang basura? James: Tama ka Kathleen mabaho nga ang basura at higit sa lahat may Germs pa. Jason: Di lang yun nakabara din sila sa mga kanal kung kayat bumabaha sa pilipinas. Jojean: Kung ganun Kathleen hindi lang pala kami ang kalaban mo pati si Glorya kalaban mo. Martha: Pati taong bayan pinirwisyo mo, dahil sa basura lahat kami nagkaganto! Ayen: Hindi ko alam kung san nyo napulot ang mga speech nyo pero inferness ha maganda sya kaso lang wala syang kinalaman kay Kathleen. James: Akala ko ba basura sya? Joanne: Tanga amputek mhahaha, lakas mo Doc este James pala Ayen: Totoo nga Kathleen na inalipusta kayo dati pero [nagisip ng English na sasabihin] past is past nga diba so what is future? Kathleen: Ano? Ayen: Ang ibig kong ipadama sayo Kathleen nandito kami para bukas ang aming mga palad para sayo [Itiniklop ang mga palad] handa kaming tanggapin ka.[Pabulong na sinabi] Kathleen: Kung totoo nga ang mga sinasabi nyong yan sayaw ng kayo ng 3in1 plus 1? James: Ano ka batas? Martha: Yuck! Jojean: Yun lang pala eh. Jason: Ayoko nga di ako marunong sumayaw eh. Ayen: Sige lang. Hoy! Kayong tatlo pag hindi kayo sumayaw HINDI KAYO MAKASASAYAW. Martha: Oh? Anung meron dun? Jason: Oo nga anung meron dun? James: Hindi tama sya meron syang point tara na sumayaw na tayo. [Sumayaw ang tatlo ng 3in1 plus 1 Nanay Tatay Party na makulay ate kuya lahat nakangiti birthday ko ngayon its time to party ready? Ready set go 3in1 plus 1 happy kaarawan 3in1 plus 1 happy kaarawaan----------Happing happy ang ating kaarawan!!*Tumbling] Kathleen: Kung gayon totoo nga ang sinasabi nyo sige kung ganun magpapakabait na kami diba Kapa?[Nagkulang ng TID ang salitang kapatid nang hindi nya nakita si Joanne sa tabi] Joanne: Isa kang hanggal Kapatid ang akala mo ba ay susuko ako ng ganun-ganun lang hindi ako papayag na ganoon lang kaikli ang role ko sa kwentong to! Kathleen: Tigilan mo na yan Kapatid! Joanne: Ayoko sanang gawin to sayo pero wala nang natitira pang paraan kilangan kitang ikulong sa GARAPAWN na syang pinaglagyan saakin ngayon na Isaah! Isaah: Masusunod po, “GARAPAWN!” [Binuksan ang Garapon na hawak at itinutok kay Kathleen upang mahigop sya at makulong dito] Kathleen: Papano mong nagawaaa sakinnn tooooooo. [Tuluyan nang nahigop si Kathleen at nakulong sa GARAPAWN] Ayen: Ang sama mong kapatid! Wala kang kasing sama masmasama ka pa sa taong masama! James: Sa totoo lang hindi naman sya gaano masama eh ganayan din ginawaga ko sa kapatid ko pag masyado nang makulit pero hindi sa garapon ko kinukulong sa banyo o di kaya sa kwarto. Pero sa sitwasyon mo ngayon masasabi ko ang sama mo dahil hindi naman makulit ang kapatid mo ikinulong mo! Joanne: Sabihin nyo na lahat ng gusto nyong sabihin saakin pero wala na kayong magagawa oras na maitutuk ang kanyon na ito sa dereksyon ng Cadena De Amor ay lahat ng mga Kaharian ay mawawasak. [Magkakahilera kasi ang mga kaharian kaya lahat sila ay maaaring mawasak]mahahaha. Rowela: Master Joanne may mga papalapit po satin napakadami po nila. Dalawa po ang pinagmumulan nila isa sa Kanang bahagi at isa naman sa Kaliwa! [Tumingin ng Maigi sa Telescope at natukoy ang mga paparating] Master Joanne si Heneral MaryRose po yun at ang mga TIDEBARWARRIORS ang nasa kaliwa at ang nasa kanan naman po ay ang samahan ng DAMATANS. Joanne: Kung gayon patapus na ang kwento mhahaha. Tapusin nyo na ang mga pakealamerong mga yan! Rowela: Opo! “Handaa Ta!” “Sugod Ta” *Ang boring naman kung walang background music diba kaya tumugtog ang isang kagimbal-gimbal na background music para sa magaganap na labanan. Jason: Jojean tara na! ako ang bahala sa likod mo! Jojean: Sugod!!! James: Pero pano nila nalaman na nandito tayo sa FC-Cubao? Ayen: Tignan nyo kasama nila si Kenneth! Pero teka asan ang Papa ko? James: Siguro si Kenneth ang nagsabi sa kanila, kung gayon tayo naman ang gumanap ng ating Role!! Martha: Attack!! DonJohn: Paslangin ang Belly Sisters at ang mga alagad nila! Ronnie: Tandaan nyo wala sialng utak at puro tapang lang! Michael: Ayus ang Ulo ko!! Zara: Para kay Raymond sugod!! MaryRose: Nandito na naman sila, kung gayon wala nang atrasan to todo na to! “Pampatapang Spell x2 x2 x2” DonJohn: Muka mo MaryRose ano ka si Naruto? Ronnie: Pwede ba MaryRose wag kami iba nalang wag kami! MaryRose: Muka nyo din. Sugod!! Isaah: “Isaah is my name Evil in my vain” [Naging sobrang sama pa ni Isaah] Bwahahahaha! Joanne: Anung ginawamo mo dyan Isaah? Isaah: Ito ang tinatawag na LOEL Laughing Out Evil Loud, gusto mo ba bang lakasan ko at gawin kong ULOEL? Joanne: Anung ULOEL? Hala ka Isaah bawal magmura dito. Isaah: Hindi mura yun ang meaning nun ay Super Laughing Out Evil Loud. Joanne: Bala ka nga sa buhay mo. James: Tikman nyo ang Saging ko! “Saging Shower” [Naglabasan ang di mabilang na Saging galing sa kalangitan] Kawal(Joanne): Hooo, grabe ang sarap ng saging mo! James: Oo tama ka masarap yan lalo na at ang secret ingredient nyan at lason! Jojean: Bano amp. Martha: “Hindi ako EMO!” [Naging emo sya at nanglalaslas ng kalaban] Joanne: Ako naman ang aatake “Roll Like A Barrel!” [Naging higante si Joanne at gumulong-gulong patungo sa mga kalaban nya] Ronnie: Ikaw matapang ka ba? Kawal(MaryRose): Oo! Ronnie: Sige nga kung matapang hiwain mo nga yung tenga ng kakampi mo. Kawal(MaryRose): [Tsak] Aray! Anung ginagawa mo sa tingin mo ha? Kawal(MaryRose): Matapang ako! Kawal(MaryRose): Humanda ka sakin. Matapang ka pala ha. Ayen: Umilag kayo magugulungan kayo ni Joanne! Kenneth: Tikman nyo ang lakas ng sipa ko “We Gonna Kick Open Side by Side We Gonna Kick” James: Kenneth ilag! Magugulunagn ka! Joanne: Katapusan mo na! [Wissk – pisat si kenneth] mhahaha. DonJohn: Takbo habang may lupa duwag! Kawal(MaryRose): Hindi ako duwag matapang ako! [Tsug – saksak] DonJohn: Matapang pala ha asan ngayon ang tapang mo? Martha: Hindi nyo ko napapansin ha tignan natin kung di nyo pa ko mapansin sa gagawin ko “Grin Minded” [Nagkaroon sya ng malawak na kaalaman sa kahalayan at ibinahagi sa mga nakikinig] [dahil sa kapangyarihan ni Martha naglapitan ang mga Taong may ganito ding isip] Jojean: Ayen,James anung ginagawa nyo dyan? James: Nakikinig kami kay Martha may senishare sya. *Nagtagal ang labanan at sa wakas ay natipun nadin ang mga alagad ni Joanne kasama sila MaryRose at Rowela. James: Ano? Hindi pa ba kayo susuko? Rowela: Hindi pa! hanggat may batas tayong Give Chance To Run hindi kami susuko! Jojean: Tingin mo ba may ganyan tayong batas hindi kami bobo! Kawal(Joanne): Master Joanne naitututok na po ang kanyon ang tanging kulang nalang po ay ang pagkalabit nyo sa trigger! Joanne: Yah![Tumalon si Joanne patungong Trigger] Mhahaha huli na ang lahat. Wawasakin ko na ang inyong mga Kaharian kasabay naman nito ng pagpaslang ko sa mga inosenteng tao. Mhahaha James: Teka sino yun? Jojean: It’s a Bird! Jason: No it’s a Plane! Ayen: it’s Spiderman! Martha: Sira si Sir Rey yan! [Lumapag si Sir Rey sa harapan nila kasama ang isang taong nakatakip ng mukha] Angelica: [tinanggal ang takip] Tama na yan Joanne! Hindi na ko makakapayag pa na pati mga inosenteng tao na wala namang Role sa kwento ay idadamay mo! Sir Rey: Naging Trigger Happy ka na Joanne oras na para baguhin natin ang iyong ugali. Joanne: Wala na huli na ang lahat para sabihin nyo yan! Hindi nyo na ko mapipigilan sa pagpapaputok ng kanyon na ito! James: Sige iputok mo! Jojean: Oo nga sige lang! Jason: Oo narin ako! Martha: Sira wag! Ayen: Kung sakali ngang magtagumpay ka sa pagwasak sa mga Kaharian at pagtapus sa mga buhay ng mga taong yun, anu na ang susunod mong gagawin? Joanne: [Nagisip] Malay ko basta alam ko kelngan kong gawin to. Sir Rey: Sige ituloy mo yan tignan natin kung makakagraduate ka. Joanne: Graduate na ko! Sir Rey: San? Joanne: Sa C.A.T at High School! Sir Rey: Sa College ang tinutukoy ko kulangot ka! Ayen: Hindi pa huli ang lahat para magbago Joanne katulad ng sinabi naming sa kapatidmo na si Kathleen bukas ang aming mga palad [isinara ang mga palad] at handa kaming tanggpin ka [Pabulong na sinabi] James: Isa pang dahilan Joanne Ikaw nalang ang hinnihintay upang matapus na ang kwento at maghappily ever after na ang kwento. Joanne: [Binuksan ang GARAPAWN na pinaglalagyan kay Kathleen] Salamat sa mga kabaitan nyong ipinakita kahit na naging nakapasama naming ng Kapatid ko handa parin kayong tanggapin kami. Kathleen: Ang ibig bang sabihin nito? Susuko ka na Kapatid? Joanne: Rowela ihanda ang hukbo sa pag-alis. At sa inyong lahat na walang sawang sumuporta saamin Tenk yu. Kathleen: Kung ganon bubuoin na naming muli an gaming Kaharian at magbabagong buhay na rin kami. *Umalis ang magkapatid kasama ang mga alagad nila…. *Matapus ang ilang taon muli nang naisaayus ang Kaharian ng Mek Eydams at sa samahan naman mga DAMATANS ay maayus na pinamumunuan ni DonJohn ang samahan at katulad ng wika ni Haring Raymond na kung sino ang makakatalo kay Kathleen o di kaya ay kay Joanne ay ang syang magiging asawa ng kanyang anak ngunit sa kasamaang palad walang nakatalo kay Kathleen kung kayat wala pang nagiging asawa si Prinsesa Ayen………… 4-A Aphrodite: Russel Aguilar Raymond Capistrano Isaah Dominguez Martha Solar Jeza Cabalu Kathleen De Vera Arien Larin Michael Cabildo Zara Di Maapi Charmaine Pulido Jedric Calica James Doctor Angelica Saubon 4-B Athena Aurora Alison Jason Jolo Kenneth Pangan Miyuki Sato Carina De Castro Ronnie Robles Luigi Penalosa DonJohn Timbad Jojean Faraon Karrel Molitas Joanne Santos MaryRose Somoza Alexis Galang Kristine Ortiz Rowela Sarza Para sa lahat ng bumasa nito sana nagustuhan nyo kahit hindi nyo nagets yung iba. Masmaiintindihan mo kasi yung kwento kung naging student ka ng JLA. At sana din sa mga bumasa nitong mga Classmate ko o di kaya mga 4B sana nagustuhan nyo kahit yung iba namatay sa kwento o kaya masamang tao yung Role nya ^.^ pero hindi naman importante yung Role dun sa kwento ko kung kalaban ka o bida impoetante kasama ka sa kwento ko,magtampo ka kung di kita sinama >.< |
|
|
|
|
| Currently feeling: di pla kasya | |
| 1 comments |
|
| Story of my life ^.^ hollered by yousirname at 07:29 AM . |
|
|
“Por Ey end Por Bi Tropa included” Ni : James Ryan Q. Doctor *Noong Unang Panahon sa Tagalog at Once Upon A Time naman sa English May Hari at Reyna na masayang namumuno sa Kaharian ng Cadena De Amor sa malayong lugar ng GreenHeights Subdivision Sina Haring Raymond at Reyna Zara Johnchel. Meron silang isang anak si Prinsesa Ayen. Maganda at Masayahin(wow naman) ang Prinsesa ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay may sumpang taglay ang Prinsesa dahil tuwing gabi ay nagiging Halimaw sya na kung tawagin ay ang sumpa ng “KATHLEEN” kaya noong nalaman ito ng Hari ay agad syang tumawag ng mga bihasa sa panggagamot ngunit lahat sila ay bigo. Isang araw ay may mensaherong nagpunta sa Kaharian at nagsabi na hindi manggagamot ang kelangan sa Prinsesa kundi isang Espisyalistang Mahikero. Sinabi ng Mensahero na may limang magagaling na Mahikero, Sila Luigi,Cyron,Carlo,Edrich at Mattew na matatagpuan sa Bundok ng Masinag. Nang nalaman ito ng Hari ay dalidaling umalis at mula greenheights ay naglakbay ang Hari hanggang Bundok Masinag. Inabot ng isang oras ang paglalakbay nya patungo sa nasabing Bundok. Nang marating ng Hari ang Bundok ay agad siyang pumunta sa isang Kweba na may Poster Ni Luigi. Raymond: ah hi, ikaw ba si Luigi ang Espisyalistang Salamangkero?? Luigi: ako nga bakit? Sino ka ba? At anung kelangan mo sakin? Raymond: Wow Luigi tumatalino ka na ah dami mo nang Questions ha. Ummm ako nga pala si Haring Raymond ng Kaharian ng Cadena De Amor at nandito ako para itanong sayo ang lunas sa sumpang taglay ng aking anak ang Sumapang “KATHLEEN”. Luigi: Sorry pero matagal na kong umalis sa larangan ng Mahika isa na kong Macho Dancer dito sa Club na to at sa katunayan nyan ay kapartner ko ang sikat na si Kenneth a.k.a “Kulangot ng Dance Floor”. Pero kung talagang gusto mong malaman ang Lunas sa Sumpang ito puntahan mo ang mga Dota boys baka sila ay pwede ka nilang matulungan, nandun sila sa Bundok Francia. *Nang nalaman ng Hari ang mga detalyeng yun ay nagaksaya pa sya ng oras para lang sumayaw sa Dance Floor ni Luigi at Kenneth. Sabay punta ng Bundok Francia at nang makarating na at nakita na nya silang apat ay… Carlo,Cyron,Edrich,Mattew: Ham..Hamm..Ha-Hamm…. Raymond: Excuse me pasensya na po sa abala kung nasira ko po ang kunsentrasyon nyo sa pagmemeditate pero may mahalaga lang po akong pakay. Cyron: Wag kang magalala di ka nakakaistorbo dahil hindi naman kami nagmemedidate sadyang gutom lang talaga kami antagal kasi ng delivery namin sa Greenwich eh.(Pizza Hut kasi dapat) Edrich: Sino ka ba at anung pakay mo samin ha? Raymond: ako si Haring Raymond ng Kahariang Cadena De Amor nandito ako ngayon para malaman ang lunas sa sumpang “KATHLEEN”. Carlo: Mukha ka namang malakas,malusog at di sakitin at higit sa lahat mukha ka ring walang taglay na sumpa bat kelangan mo pang malaman ang Lunas sa sumpang wala ka naman. Raymond: yun ay dahil hindi ako ang may taglay ng sumpa yun ay ang nagiisa kong anak na babae at alam nyo naman siguro ang kalinga ng magulang sa kanilang anak diba mahal ko ang anak ko kaya ginagawa ko ang lahat para sa Lunas nya. Cyron: Chups (Mattew) kaw na magkwento sa kanya nang umalis na yan. Mattew: Nagmula ang Sumpang “KATHLEEN” sa isang makapangyarihang nilalang. si Kathleen ay makapangyarihang Witch na naghasik ng kasamaan at nagumpisa ng giyera sa buong mundo kasama ang kapatid nyang si Joanne na kapwa nya makapangyarihan sumakop sila ng mga kastilyo at ipinalaganap ang kanilang implowensya hanggang sa isang araw ay kinilala silang “Belly Sisters”. Isang araw nagwala si Kathleen at pumaslang ng mga alagad nya sa di maipaliwanag na bagay kasabay noon ang pagsalakay ng kalaban nila na naging lamang ng kalaban nila upang maipanalo ang laban, laban sa magkapatid. natalo si Joanne ng isang mandirigma na nagtataglay ng anting-anting Martha. Ganun din ang sinapit ni Kathleen ngunit bago sya tuluyang matalo ay nagkapagbitiw sya ng spell na muli syang mabubuhay ng muli at muling magtatagumpay sa pagsakop sa buong Sanlibutan, pagkatapus ng Spell nyang iyon ay biglang nawala ang kaluluwa ni Kathleen sa kanyang katawan at para hindi na mabalikan ni Kathleen ang katawan nya ay linagyan ito ng Seal at itinago sa liblib na lugar samantalang si Joanne naman ay namatay sa laban at sinunog ang kanyang katawan at itinabi ang mga abo nito ikinulong din ang mga alagad ni Kathleen at Joanne sa ibang demensyon. Raymond: Kung ganun ano ang Lunas sa Sumpa ng aking anak? Andami mong sinabi pero asan ang Lunas? Asan! Cyron: Sa katotohanan nyan ay may isang paraan para tuluyan nang mawala sa mundong to si Kathleen habang hindi pa sya tuluyang nagigising sa pagkakahimbing nya. Raymond: Anung ibig mong sabihin na hindi pa sya tuluyang nagigising? Hindi pa ba sapat na nagiging halimaw ang anak ko sa tuwing gabi, anung ibig mong sabihin? Carlo: Ang ibig nyang sabihin ay sa Physical palang na kaanyuan nagigising si Kathleen dahil ang tunay na pagkagising ni Kathleen ay ang pagbabalik ng kanyang ala-ala,pagiisip at kung anu anu pa mang meron syang taglay dati pero wag kang magalala makapangyarihan parin ang anting-anting Martha dahil hanggat hindi natatagpuan ni Kathleen ang kanyang tunay na katawan ay tuwing gabi lang syang may laya. Raymond: Kung ganun ano ang sinasabi kanina ni Cyron na may isa pang Lunas para matapus na ang kasamaan ni Kathleen?? Cyron: Yun ay ang patayin mo ang iyong anak alang alang sa nakararami para matapus na ang kaguluhang ito at hindi na muli pang magkaroon ng ikalawang digmaang pangreenheights.(xet 2nd world war) Raymond: hindi pa ko nabubuang para paslangin ko ang nagiisa kong anak na babae at kung talagang wala na kayong masasabing paraan para matanggal ang Sumpa aalis nalang ako at idudulong sa iba. Mattew: Teka babae ang anak mo diba? Maganda ba naman? Raymond: kung panget yun edi sana ako na mismo pumatay sa kanya ano ka ba. Mattew: iwan mo nga yung Friendster nya view ko mamaya at kung sakasakaling magustuhan ko sasabihin na namin sayo ang nagiisa pero tiyak na maliligtas mo ang anak mo. Sya nga pala iwan mo nadin yung FS mo para Message nalang ako. Raymond: Sa YM nalang men para mabilis. *[Binigay ang FS at YM] nang matapus ni Haring Raymond ang pakikipagusap sa mga ito ay dalidaling umuwi ng palasyo upang magbukas ng YM. Raymond: Oi ako naman magbubukas ako ng YM may importante akong gagawin. Zara: Mamaya na nagFFaceBook pa ko tsaka ano bang importante sa YM mo? Raymond: Yung Lunas sa Sumpa ng Anak natin buang kaya bilisan mo umalis ka na dyan. *[nagbukas ng YM] offline message – Mattew: Ok maganda nga ang anak mo kaya sasabihin ko na ang Lunas. Sa katunayan nyan walang Lunas ang sumpang yan pero kung gusto mo talagang iligtas ang anak mo hayaan mo lang na magising ng tuluyan si Kathleen sa pagkakatulog dahil hahanapin ni Kathleen ang tunay nyang katawan. Tandaan mo Oras na magising na si Kathleen sa pagkakatulog di sya mag aalinlangan na patayin ang mga taong nasa paligid nya kaya kung ako sayo kukuha ako ng isang Spy para nalalaman mo kung nasa mabuting kalagayan ang anak mo. Isa pang bagay dapat na mahanap mo din ang anting anting Martha bago mahanap ni Kathleen ang tunay nyang katawan dahil kapag nakita na nya ito at muling nakabalik sa orihinal na katawan nya ay di sya manghihinayang na patayin ang anak mo. *Nang nalaman ng Hari ang mga ito ay nagpasya sya na tipunin ang kanyang pinaka magagaling na Tauhan kasabay din ng paganyaya nya sa mga tao na sumali sa paligsahan na gagawin..natapus ang paligsahan na may tatlong taong nakatayo sa Arena. Raymond: Kung gayon kayo ang mga napili ko para hanapin ang nasabing Anting anting na ito at kung sino man sa inyo ang makatalo sa Kathleen na ito sa kanyang muling pagkagising ay syang mapapangasawa ng aking nagiisang anak na si Prinsesa Ayen. Magpakilala ang bawat isa sa inyo. Ayen: Anjologs mo talaga Daddy. Jason: ako po si Jason isa po akong BP o Battle Priest kaya ko pong magpahilom ng sugat sa sandaling sigundo lamang may kakayahan din po akong bumuhay ng patay basta wala pang 5 mins syang patay kasi pag lagpas 5 mins na po madumi na po yun. Magaling din po ako sa pakikipaglaban mahal na Hari. ^_^ Raymond: aha magalang at magaling sa pakikipaglaban di lang yun isa ka ding medic malaki ang maitutulong mo sa pagsugpo kay Kathleen. Teka asan si Carina? Jason: Wag kang maigay di niya alam na nandito ako. Raymond: ah ganun ba sorry. At ikaw na sino ka? Jojean: ako si Jojean repa magaling ako sa pakikipaglaban lalo na pagpalakasan lang din naman ang labanan. Raymond: Hmmm. Isang malakas na mandirigma magaling kung ganun hindi madaling matitibag ang depensa nyo kung may malakas kayong kasapi sa grupo. At ikaw Huling nagwagi sino ka naman? James: Sa katotohanan po kasi nyan kaya lang po nyan din a ko kelnagang magpakilala dahil may pangalan na ko sa umpisa palang bago pa ko magsalita. Malakas po ako sa pangbobola sa YM at magaling din po ako sa Salamangkang Yellow.(tagala lang ha) Raymond: Aba kung gayun isa kang bolero mahalaga ka sa grupo lalo na sa pangbobola mo sa kalaban para lituhin sila at Salamangkero ka din magaling. Kung gayon kayong tatlong napili maaari nang maglakbay nasasainyo na ang basbas ng Kaharian ng Cadena De Amor naway subay bayan kayo ng taas sa inyong gagawing paglalakbay Sige Banat! *Nagumpisa nang maglakbay ang tatlo papuntang??? Ah mga iho san ang punta nyo? James: Anu yun may naririnig ka ba Jojean? Parang may kumausap satin kanina ah? Jojean: Wala naman teka san nga pala tayo pupunta? Kaw Son (Jason) alam mo kung saan? Jason: Who do we ask for help when we don’t know which way to go?.................. James,Jojean: THE MAP!!! Jason: Rigth! Then lets call for the map. Say map! James,Jojean: MAP!! Map: Im the map Im the map im the map im the map IM THE MAP(medyo may Tili sa parteng map na nakacapital letter) Jojean,Jason and James don’t know the way to go. Jojean,Jason and James should go to Martha`s Lair but before they get there they should pass Sahara Dessert then pass the Airplane Plain then finally Matha`s Lair!so you tell Jason Dessert,Plain,Martha`s Lair - Dessert,Plain,Martha`s Lair - Dessert,Plain,Martha`s Lair (OO DI SILA TANGA PARA MAKALIMUTAN YAN) ok. (Sabi na eh wala akong talent sa pageenglish) Jason: Bale sa Dessert,Plain,Martha`s Lair tayo pupunta mga tropa kaya anu pang ginagawa natin dito tara na Common Bamonos Everybody Lets go. Jojean: Common Lets Get do it I know that we can do it. James: Where are we going? Clak! Clak! Clak! Jason,Jojean: Martha`s Lair. James: Where are we going? Clak! Clak! Clak! James,Jason,Jojean:MARTHA`S LAIR (magkakahawak ang mga kamay habang umiikot) *Habang nagkakantahan ang mga buang na to ay nangyari na ang kinatatakutan ng Hari ang tuluyang pag kagising ni Kathleen mula sa pagkakatulog kaya naman sinunod nya ang payo sa kanya ni Mattew na kumuha sya ng Isang magaling na Spy upang subaybayan ang anak nya tuwing umaga si Charmaine . Kathleen: Sa wakas!!!!(boses ORC) muli na kong nabuhay Bwahahaha pero teka hindi pala ito ang katawan ko kelangan ko pang hanapin ang tunay kong katawan bago ko umpisahan ang mga Madudumi kong balak. Kelangan ko din na muling buhayin ang kapatid kong si Joanne at pakawalan ang mga alagad kong nasa ibang demensyon. *Pagkatapus sabihin ni Kathleen ang mga Line nyang yun na nakasulat pa sa kanyang kamay bilang kodigo ay mabagal syang umalis ng Palasyo at sa kanyang paglipad ay nakita nya ang tatlong lalaking kumakanta ng Theme song ng Dora The Explorer. Kathleen: aba ang mga taong yun hindi ba nila alam na hindi pa uso si Dora sa Panahong ito masgusto ko pa si Barney ngayon kesa kay Dora. Ansakit nila sa Mata lalo na sa tenga mapaslang nga kayo.(Bumaba si Kathleen papunta sa kanila) Hoy!!! Jojean: Pre tignan nyo may meteor na hugis baboy na tatama satin ilag mga repa. Jason,James: WTF,tao ba yan? Kathleen: Sabihin nyo na lahat ng gusto nyong sabihin pero yang mga salitang yan ang huling salita na maririnig nyo sa mga sarili nyo. James: Ah ganun. bale nagumpisa ang buhay ko nung isinilang ako bilang baby tapus nun men lumaki ako at dilang yun lumaki din pati si jr. ko. (Kapatid ko) Kathleen: Tama na ang Talambuhay na ito wawakasan ko na ang mga walang saysay na buhay nyo. LordJohn: Holt it Right there, oi James,Jojean,Jason umalis na kayo ako na bahala dito di nyo sya matatalo ng wala ang anting anting ni Martha kaya bilis na umalis na kayo. Jojean: Sino yan Extra? James: Pero panu ka Lord? Di ka namin pwedeng iwan ng ganyan. Jason: Kilala mo James? Lordjohn: Sige na umalis na kayo dito magpakalayo na kayo dahil alam ko naman na di ko sya matatalo ang importante ay mabuhay kayong tatlo at hindi dito magtatapus ang kwento. Kathleen: Sino ka namanng pakealamero ka? Lordjohn: Ako nalang ang natitirang buhay ngayon sa mga mandirigma na gumapi sayo dati ang mandirigma na nagdulot ng iyong kasawian at kasawian din ng kapatid mo. Kathleen: naaalala ko na ang mukhang yan at higit sa lahat ang Afro Hair Style na yan natalo mo ko dati pero gamit mo nun ang Martha pero ngayong wala sayo ang Martha matatalo mo kaya ako? Lordjohn: hahaha,tignan nalang natin nagaral yata ako ng salamangkang kulot kaya humanda ka dahil ito na ko “Hindi lahat ng Kulot Salot Spell!!” [Humaba ang buhok ni Lordjohn at pinuluputan si Kathleen] Kathleen: Ano ang mga ito joke? Babalutan mo lang ako ng buhok mo? Sa tingin mo ba matatalo mo ko sa ganyang pamamaraan? Lordjohn: Oo alam kong na di ka matatalo ng ganyang pamamaraan lamang pero hindi lang yan ang kakayahan ng Spell ko may mabahong amoy din ang buhok ko na nakapulopot sayo na syang lalason sayo ng unti-unti hanggang mamatay ka na. *Samantala sa kabilang panig naman ng Ibang Demensyon kung saan nakakulong ang mga alagad ni Kathleen. MaryRose: Sa wakas bwahihihi, natagpuan ko na ang KeySusi na may kakayahang magbukas ng kahit na ano pa mang pintuan o portal at ngayon mga tapat na alagad ni Master Kathleen humayo kayo at magpakarami este humayo kayo at sumunod sakin! [ginamit ang KeySusi sa portal palabas ng demensyong kulangan nila] MaryRose: Ha? Hindi bat si Master Kathleen yun? Madali tulungan natin sya patayin ang kalaban “Pampatapang Spell” [Dahil sa katakot-takot na sigaw ni MaryRose naging maslalo pang naging matapang ang kanyang mga alagad] Alagad:Matapang na kami!!!Sugod!!!Dapat nilang malaman na ang mga Pilipino ay hindi bakla at may mga sariling paninindigan (El Fili de Sir Rey) Laban!! LordJohn: huh? Panung nakawala ang mga kampon ni Kathleen sa pagkakakulong? Hindi to maari hindi ako pwedeng mamatay hanggat hindi ko pa napapatay si Kathleen. (Tsug,Wessssikk,baggg,booomm, at kung ano ano pang sound effects na pwedeng maging tunog ng mga sandatang ibinaon sa katawan ni LordJohn) Kathleen: Teka wag nyo muna syang tuluyang patayin may itatanong pa ako sa kanya.(nilapitan at sinipa)(ah!! = reaksyon ni LordJohn) Hoy saan nyo itinago ang Abo ng kapatid ko? LordJohn: ahahahaha, Sa palagay mo ba ay sasabihin ko sayo kahit na patayin nyo pa ko ngayon dito sa kinahihigaan ko Pu%^#^&*#Ā*? Mo! [ hinawakan sa leeg si LordJohn at sabay kinain ng Buo ] Kathleen: [naglilinis ng daliri] Magaling MaryRose at nakawala kayo mula sa pagkakakulong sa demensyon na yun. Nabawasan ang mga gagawin ko ngayon ang kelangan ko nalang ay hanapin ang katawan ko at ang pinaglagyan sa Abo ng kapatid ko para sakupin ang mundong ito, MarayRose Nais kong sakupin nyo ang Kaharian ng Cadena De Amor dahil dun ko unang itatayo ang aking unang Base at pagkatapus nyong sakupin ang Palasyo ay nais ko din na ang kalahati ng pwersa ng Batalyon ko ay hanapin din ang Abo ng kapatid ko. MaryRose: Narinig nyo ang utos?! Bilis lakad na at walang dapat na sinasayang na oras! Ikaw anong pangalan mo? Nais kong ikaw ang mamuno sa ikalawang Platoon maliwanag ba? Rowela: Opo maliwanag po Sir. Second Platoon “Handaaaaaa Ta!” “Lakad Patakdaaaaa Ta!” left left left right left right left…… Kathleen: Shit maguumaga na at ang tatlong yun mukhang alam ko na kung san sila papunta “Summon Spell” (Woossh) humayo kayong tatlo at bantayan ang Martha *Kathleen Transform* Ayen: Huh? Teka anung ginagawa ko dito? Ang chenes naman oh. Charmaine: Mahal na Prinsesa ako po si Charmaine ang naatasan ng inyong amang Hari na gumabay sa inyo kapag umaga. Ayen: Anung ibig mong sabihing tuwing umaga? Ipaliwanag mo lahat ng nalalaman mo bilis charmaine kaya mo yan GO! Hindi kasama yung mga nalalaman mo sa ibang bagay ha yung sa kwento lang ok GO! Charmaine: Kagaya po ng nasabi ko kanina ako po ang naatasan ng Hari para gumabay sayo isa po akong Spy, kaya ko rin po nasabi na tuwing umaga lang ay dahil nagiging si Kathleen po kayo tuwing gabi yun din po ang dahilan kung bakit nandito kayo ngayon. Ano po ba ang gusto nyong gawin ko? Ayen: Ganun ba >.< Jologs talaga ng kwento pero di bale laro nalang tayo Charmaine Nanay Tatay tayo. *Samantala sa panig naman ng mga manlalakbay nating bida James: Dapat talaga may tawag satin tol para cute ang Team natin pwedeng tayo ang Totally J, The J walkers,The J lakbayers or di kaya JJJ parang sa KKK Jataas Jaasan Jagalang Jalangan Jamahan manlalakbay ng bayan? Ano sa tingin nyo mga tol? [Nagkwekwentuhan] Jason: Jojean tignan mo ang Sahara Dessert narating na natin tara na bilis.(wohoo) Jojean: Oo nga tara paunahan tayo makapuntang gitna (yeah!) James: ah guys pansinin nyo ko hindi kayo nagdadalawa nagtatatlo tayo remember? Hoy hintay. Jojean/Jason:Waaaaa (nahulog sa butas na patibong) Alexa: hahahahah (tawang bading) naholog kayoh sa patibs koh ngayon tataposin koh nah ang mga bohay nyoh hahahahah. Jojean: Teka sino ka? At anung intesyon mo? Jason: Oo nga sino kang nilalang ka? Ang KJ mo nagkakarera kami eh. Alexa: Mga hanggal howag nah kayong magdadadah pah dahil akoh sih ALEXA peroh kong sabagay mamamatay nadin naman nah kayo hahahahah. James: Oi guys wer na kayo??[tumatakbo] (Booomm) [nagkabanggaan ang dalawa at nahulog sa butas si alexa] Jojean/Jason: hehehe [tawang demonyo] (boom,blag,bleg,blig,blog,blug mga sound effects sa cartoons ng pambubugbog) [nagbaba ng tali si James at inakyat ang dalawa] James: Ok lang ba kayong dalawa? Sabi kasing hintay eh may kasama kayong James ha tatlo tayo ha.(naguusap) Jason: nakita mo ba yung suntok ko Jojean? Jojean: eh yung sipa ko nakita mo ba pang youtube yun men. Alexa: Mgah hayop kayoh how dareh youh hurt meh when you whereh angry likeh that. Ngayon tikman nyoh naman ang lakas ng paghihigantih koh “Hindi Ako Bakla Spell” (lumaki ang katawan ni Alexa at naging si Ingkridibol holk [silent L]) Jojean: ako muna ang lalaban sa kanaya obserbahan nyo lang sya at kayo na ang bahalang maghanap ng kahinaan nya mga repa. Jason: Sige lang basta nasa likod mo lang ako ihiheal nalang kita pag kelangan mo na ng tulong. James:Hmmm [nagiisip](xet nagiisip) bading? Ano ba ang kahinaan ng bading? (Lumipas ang limang minuto sa pagiisip nya.) aha! (kumislap ang bumbilyang nasa ulo nya na tila ay pundido na) “Summon Saging!” Woossshhh Alexa: hah? Mmmm Saging!!! (kinaiin ni alexa ang napakalaking saging hanggang sa mabusog ito) Hooooh grabe busog na busog ako parang hindi tuloy ako makatayo sa sobrang busog. James: hahaha sino na ngayon ang tumatawa? Jojean,Jason tapusin nyo na sya (Naguusap ang dalawa tungkol sa kanilang laban) (nakita mo ba yung Heal ko?) (Eh yung pakikipaglaban ko nakita mo ba?)[lumapit kay Jojean] Peram nga ng ispada mo tol. Jojean: O sige kunin mo na dyan, pero wala ka padin sakin Son nakita mo ba yung slash ko kanina? James: Nakakainis na talaga sila buti nalang nandito ka sayo ko bubuhos lahat ng sama ng loob ko!!TSAG!! (tanggal ang ulo ni Alexa) tara na nga!! *Naglakbay ulit ang tatlo patungong Air Plane Plain at sa panig naman ng Cadena De Amor Kawal: Mahal na Hari may mga kalaban po na sasalakay sa ating Kaharian ano po ang gusto nyong ipagutos? Raymond: Ilan sila sa iyong palagay? Kawal: Mahal na Hari kahit pagsamahin natin ang daliri ng Kamay at Paa natin ay hindi natin sila mabibilang. Raymond: Kung gayon magpadala ng Mensahero sa ating Karapit Palasyo sabihing nangangailangan tayo ng tulong nila madali. At habang wala pa ang tulong nila humanda sa pagdepensa ng Kaharian!!! MaryRose: Ngayon mga alagad ko katulad ng utos sa atin SAKUPIN ang Kaharian ng Cadena De Amor at tandaan walang ititirang buhay liban sa Hari at Reyna SALAKAY!!! “Pampatapang Spell!!” Alagads: Rawr Matapang na kami!!! Rowela: “Tunnnnnnto!!” “Humanda sa Pagtatanghallll Ta!!” ( Nagtanghal ang Platoon ni Ela) “Humanda sa Pagsalakayyy Ta!!” ( NapapaCommand din ako amp ^.^) *At habang may nagaganap na labanan sa Kaharian ng Cadena De Amor ang isang Mensaherong pinadala ni Haring Raymond ay nakarating na sa Karapit Kaharian. Mensahero: Madali kelangan kong makausap ang inyong Hari!! May mahalaga akong mensahe galing sa Kaharian ng Cadena De Amor RED ALERT TO!!! DonJohn: Kung ganun ano ang iyong ibabalita sa aking Kaharian at nagmamadali ka? Mensahero: Mahal na Hari ipigpatawad po ninyo kung nawalan po ako ng respeto sa mga kawal ninyo pero ang Mahal na Haring si Raymond po ay nangangailangan ng inyong mabilis na pag-agap sa kadahilanang sinasalakay po ang Kaharian namin. DonJohn: Ano?! Madali ihanda ang Hukbo sa Giyera pupunta tayo sa Kaharian ng Cadena De Amor at madali ding sabihin ito sa lahat ng Kasapi ng “Damatans Organization”. *DAMATANS – isang organisansyon na binubuo ng limang Hari Sina Haring Raymond ng Cadena De Amor, DonJohn ng Josenia, Ronnie ng Flor De Lis, Michael ng Morning Glory at Jedric ng Blue Bells. Lahat sila ay mababait na hari liban dun sa isa pero kahit na ganun ay madami syang Alas. Kawal: Opo Mahal na Hari, Ihanda ang Hukbo sa Pagsalakay at magpadala ng mensahe sa lahat ng mga Master Damatans. *Habang Nagkakagulo sa Kaharian ng Cadena De Amor at Naghahanda ang Kaharian ng Josenia ay naglalaro padin ng Nanay Tatay ang dalawa. Ayen: Hmmp ayoko ko na Charmaine pagod na ko, teka kamusta na pala ang Kaharian ng Cadena De Amor? Charmaine: Wag po kayong mag-alala mahal na Prinsesa bawat lugar po na dinaanan at pinanggalingan ko ay nilagyan ko ng Hidden Camera kaya pwede po natin silang panoorin. Ayen: Ang galing mo naman Cha (Charmaine) ok sige panoorin na natin sila. [Inilabas ni Charmaine ang kanyang 10 inch Flat Screen T.V. powered by motolite] Ayen: Shocks!!! Ang Ermoth at Erfath ko bat nagkakagulo sila?? Charmaine: Papanung? Hindi to maaari sya nga si MaryRose nga ang taong yun pero lahat nang mga kilos nila ay nasubaybayan ko kahit nung naglalaro kami ng Prinsesa namomonitor ko sila hindi kaya? Oo yun nga siguro nung panahong tumatatae ako. Isa itong kahihiyan sa akin hindi ko nabigyan ng babala ang Kaharian. Ayen: Panu na yan ano nang mangyayari sa kanila? Anjologs naman The Err. Charmaine: Ipaubaya nalang po natin sa kanila ang laban alam ko po na kaya po nila yan. At mahal na Prinsesa kelangan ko narin pong umalis maggagabi na po. (twissssh)[nawalang parang tanga] Ayen: Ano ba yan anjologs naman ng Role ko *Ayen Transform* Kathleen. Kathleen: Bwahahaha. Teka wala na pala akong panahong tumawa kelangan ko nang hanapin ang aking tunay na katawan at kapatid. Aha! Alam ko na kung pano ko hahanapin ang katawan ko, kung ganun sa kanya nalang nakasalalay ang lahat. *Muling lumipad si Kathleen para hanapin ang taong kanyang inisip. Samantala sa Kaharian naman ng Cadena De Amor. Raymond: Bilis protektahan ang Reyna!! Ilabas pa ang mga Kawal!! Kawal: Mahal na Hari wala na po tayong mga Kawal na maaasahan ang ilan po sa kanila ay tumakbo na at ang unang pulutong na pinasugod natin ay halos paubos na. Napakalakas po ng kanilang mga tauhan parang ang isa po ay higit sa dalawa. Raymond: Hindi to maaari pwede kayang ang mga alagad ni Kathleen ay ang mga…… DonJohn: Sugod mga Alagad ko bigyang tulong ang Cadena De Amor!!! Kawal (Cadena De Amor): Mabuhay! Nandito na sila kaya na nating ipanalo to! MaryRose: Kung ganun may dumating silang tulong. Hihihi Rowela! Ang Platoon mo na ang bahala sa kanila! Rowela: “Harap sa Likodddd Ta!” [humarap sa likod] “Sugod Ta!” DonJohn: Teka parang pamilyar sakin ang mukhang yun ah. Ha! Hindi to maaari sya nga si MaryRose nga a.k.a Ridin ang namumuno sa mga TIDEBAR WARRIORS ang ibig lang sabihin nito ang Isa ay Higit sa Dalawa. Wala tayong panama sa lakas ng mga yan madali iatras ang buong Hukbo! Patawad kaibigang Raymond ngunit hindi kita matutulungan sa oras na to parehas lang tayo ng sasapitin kung magpapadalos-dalos ako. Kawal (Cadena De Amor): Hoy! San kayo pupunta!? Isama nyo na ko! Kawal (Josenia): Sorry my Friend pero iiwan na muna namin kayo. *At tuluyan na ngang natalo ang Kaharian ng Cadena De Amor. Raymond: Kung ganun wala din kaming natanggap na tulong natakot din syang maubos lang ang hukbo sa mga TIDEBAR WARRIORS. MaryRose: Magaling, magaling, magaling ang akala nyo ba ay ganun kami kadaling talunin mga hung hang kelangan nyo munang kumain pa ng napakaraming kain para lang maabutan ang aming kinain. Zara: (Pabulong) kaya pala. Di na nakapagtataka kung bat naging ganyan ka. MaryRose: May sinasabi ka ba ha? [Pak! Sound effect ng sampal] buti nga. Raymond: Ano bang kelangan nyo samin? At nandito kayo? MaryRose: Napagutusan lang kami kung kayat nandito kami ngayon. At ang isa pa alam ko na may alam ka kung saan itinago ang Abo ng aming Master na si Joanne. Raymond: Kung utusan kitang magpakamatay gagawin mo ba? At sa tingin nyo ba ay sasabihin ko sa inyo? Kahit patayin nyo pa si Zara hindi ko parin sasabihin. Zara: Anung ako? Mag-isa ka sya nalang patayin nyo. MaryRose: Tahimik!!! [Aray, reaksyon ni Zara sa pagkakasigaw] hindi ako nakikipagbiruan sa inyo parehas ko kayong tatapusin kung hindi nyo sasabihin. Maliwanag ba? Raymond: Ok sige sasabihin ko na pero sa isang kundisyon, isasama nyo kami sa inyong pagpunta (Kala mo ba sasabihin ko talaga sayo? Hahaha). MaryRose: O sige kung ganun (Kala mo isasama talaga kita? Hihihi). Raymond: Nasa Bayan ng Hesto Lis Yows ito matatagpuan at si Angelica ang may hawak nito. Ngayon maari mo ba kaming isama? MaryRose: Malayo ba yun? Raymond: Depende kung utak mo o utak ko kasi kung utak ko malapit lang ewan ko lang sa tantya ng utak mo kung malapit o malayo. MaryRose: Sinasabi mo bang Boba ako? Raymond: Kelangan pa bang ipagsigawan ko OO! MaryRose: Ah bobo pala ha o sige isama sila sa pagpunta sa Hesto Lis Yows. *Umalis ang hukbo ni MaryRose at naiwan naman ang Platoon ni Rowela. Samantala sa panig naman ng ating tatlong Bida. James: [Umamoy ng hangin] Aaahh sarap naman ng hangin dito lasang Kendi kahit sa ilong mo amoyin. Teka kakaiba din yung hugis ng kapatagan na to ah hugis Eropplano hindi kaya? Jason: Nakarating din tayo sa wakas. Kung ganun isa lang ang ibig sabihin nito. Jojean: Oo nga isa lang ang ibig sabihin nito ito na ang tamang oras. James: Anu yung gagawin nyo? [naglabas ng takure si Jason at cup naman kay Jojean] Jason,Jojean: Magkape muna tayo!! (Habang nagkakape ang dalawa at nagpapansin ang isa ay may nagmamasid sa kanila sa di kalayuang lugar) Jeza: Hehehe. Nagkita din tayo sa wakas Jolo (Jason) humanda ka sakin dahil susulutin kita (GO Jeza!). Hmmm teka anu yun? (May kung anung bagay na mabilis na papunta sa kanya) Miyuki: Tabi! Alis dyan dadaanan ko! [Tadooomm! Nagkabanggaan ang dalawa at natumba] Jeza: Aray ko. Teka sino ka ba at nagmamadali ka? Miyuki: May hinahanap kasi akong tatlong Lalake kasi ang utos sakin patayin ko sila. (Nagmasid sa paligid) teka sila yun ah o sige panu ba yan iwan muna kita dyan. Jeza: Saglit lang gusto ko sanang makipagsundo sayo gusto ko sanang ako na ang bahala dun sa isa yung may nakatayo-tayung buhok na mukang emo. Miyuki: [Kunyari ay nagiisip] O sige kung ganun. basta wag ka ng makealam sa dalawa. Tara na kung ganun. James: San kayo pupunta? Sama naman ako sa inyo kasi di ako pinapansin ng mga kasama ko. Miyuki: Sya ba yung emo na sinsabi mo? Jeza: Hindi yan. Yung isa pang emo na kasama nila. Miyuki: kung ganun tatapusin ko na ang buhay nito. Jeza: Sige bala ka basta ako pupunta na ko dun kay Jolo. Miyuki: “Hindi ako Baliw Scream” [Pooof namatay ang James na yari sa Dahon ng Saging] ha? Peke ang putek. Jeza: Tulong!! Nadakip nila ko! James: Kala nyo ba hindi namin kayo naririnig eh halos tatlong diba lang ang layo natin. Miyuki: Papaanong naging tatlong dipa nalang ang layo natin eh ang nakita ko kanina halos isang kilometro ang layo natin. Jojean: Sabi kasi ni Derek repa. Miyuki: Kung ganun wala na kong magagawa kundi tawagin ang mga alagad ko. “Kristine and Aurora Labas” [Tanan! Lumitaw ang dalawang alagad] Tapusin nyo sila mga alagad ko. Aurora: Masusunod po Master. Kristine: Wag! Hindi tayo nilikha ng Dyos para magpatayan nilikha tayo para magmahalan at magbigayan sa isat-isa kaya mga kapatid tayoy manalangin! sa ating dyos na lumalang. (Lumapit sila Jojean,Jason,James,Jeza at Aurora upang manalangin) Miyuki: Anung sa tingin nyo ang ginagawa nyo? James,Jojean,Jason,Jeza,Aurora,Kristine: Nanalangin kami tanga! [Nang matapus manalangin ay nagsitayuan sila] Jason vs. Jeza/ Jojean vs. Aurora,Kristine/ James vs. Miyuki Jeza: “Super S!”[Lumabas ang Super Market ng Super 8 at pabagsak ito kay Jason] <- Jason: “Holy Shit” [Lumabas ang Dambuhalang Tae] / Jojean: “Hampas na Wala ng Bukas” [Nagkaron ng Ilaw ang Sandata ni Jojean at nadagdagan ang bigat at lakas nito] -> Aurora: “Psycho Killer” [Naglabasan ang mga Ballpen at nagliparan papunta kay Jojean] Kristine: “Haleluah” [Nagkaron ng Malaking kamay at pabagsak ito kay Jojean] / James: “Meteor Saging” [Nagbabagsakan ang di mabilang na Matutulis na Saging mula sa kalangitan] Miyuki: “Marcha ng Aso” [Naglabasan ang mga Asong may Rabbies kung saan saan na may di mabilang na dami] Jason: Waaa. Walang epekto ang tae sa kanya masyadong malaki ang harang nyang yun kayang kaya nyang salagin ang tae ko. Jojean: Di kaya ng lakas ko ang lakas ng dalawa masyado silang malakas. James: Wala din epekto ang Saging ko sa kanya masyadong matakaw ang mga aso nya kinakain lang ang mga saging ko. Isa lang ang ibig sabihin nito tara na mga tropa manalangin nalang tayo sa ating ikapagpapanalo (Nagsamasama ang tatlo at nanalangin na sana ay manalo sila sa kanilang laban.) Miyuki: Hahaha. Mga hangal nga talaga kayo sa tingin nyo ba ay mananalo kayo ng panalangin lang ang inyong ginagawa kahit tulungan pa namin kayo sa pananalangin ay wala na kayong magagawa sa inyong katapusan. [Lumuhod si Kristine,Jeza at Aurora upang tulungan sila sa pananalangin.] Bat nagkaron ako ng mga gantong kasama bakit?! Bakit?! Bakit?! Sagutin nyo ko!! (Booom kumulog ng malakas at nagliwanag ang kalangitan lumabas ang isang nilalang na galing sa kalangitan) Mariguel: (Boses anghel na katulad sa palabas sa T.V. GME or ABSkoCBN [yung di na maintindihan sa sobrang KaOAan ng soundeffects.) Yunnn ayyy dahilll kukuninn naaa kitaaa ditooo saaa lupanggg itooo Miyukiii. Miyuki: Sino ka ba? Mariguel: Akooo anggg alagaddd ni Kamatayannn attt kukuninnn naaa kitaaa Miyuki: Eh Bat nakalagay dun anghel? Mariguel: Yariii kaaa Miyukiii ayunnn anggg aminggg Hiddennn Cameraaa Nasaaa Bitoysss Funniesttt Vediooo kaaa ngayonnnn. ABSKoCBN: Anu? Wala sya dun nasa VICTIM sya ngayon (palabas dati ng ABSKoCBN na nalugi at nawala na) GME: Ano kayo hello matagal nang laos yung palabas niyo na yun. [Habang nagtatalo ang dalawang istasyon..] Miyuki: Teka anung ginagawa mo? Mariguel: Diii baaa halataaa kinikuhaaa kooo anggg kaluluwaaa mooo attt nggg mgaaa kasamaaa mooo. Miyuki: Pero bakit kami lang? pano yung tatlong yun? GME: He! Manahimik ka na nga kami na ang number 1 ngayon. ABSKoCBN: Nagpapatawa ka ba? Anung kayo kami ang number 1. Ako: Hoy Umalis na nga kayo dito dun kayo magaway wag dito nakakagambala kayo ng kwento tsaka kung ako sa inyo magbago na kayo kung ganyan kayo ng ganyan walang makikipagkaibigan sa inyo. GME,ABSkoCBN: Haler istasyon po kami. Ako: Kala nyo na ba nakakatuwa kayo nakakabadtrip kayo! Mariguel: Yunnn ayyy dahilll nananalanginnn silaaa. Miyuki: Eh nananalangin din naman yung mga kasama ko ah. Mariguel: O sige hindi ko sila kukunin pero kukunin kita bala ka wala kang karamay. Miyuki: Bumilis ka ata magsalita? O sige kunin mo narin sila para may kasama ako. *Dahil sa request ni Miyuki sila Jeza,Kristine at Aurora ay kapwa kinuha din ni Mariguel. At habang naggaganap ang aksyon sa Air Plane Plain ay nakarating na din sa wakas ni Kathleen sa kanayang pinupuntahang lugar. Kathleen: Bwahahaha sa wakas nakarating din ako.(Hesto Lis Yows – isang bayan na iniwan ng mga tao sapagkat palaging sinasalanta ng bagyo liban sa isang tao) [Pumasok si Kathleen sa isang bahay na may hagdanan pababa sa loob, pagbaba ni Kathleen ay nakita na nya ang taong kanyang hinahanap] Kamusta ka Angelica matagal din tayong hindi nagkita. *Si Angelica ay isang makapangyarihang Witch na kayang kayang talunin si Kathleen ngunit hindi sya nakikialam sa agos ng tadhana sa halip ay natutuwa lang sya sa panonood ng paglipas ng panahon at gumagabay sa taong may mga katanungan sa buhay. isa syang immortal mula pa nung umpisa ng kwento. Angelica: Ano na naman ang kailangan mo sakin Kathleen at nandito ka na naman hindi ba sinabi ko na sayo dati pa na wag ka nang makabalik-balik pa dito. Kathleen: Ibahin mo ang pagkikita natin ngayon dahil walang akong kukunin meron lamang akong itatanong sayo. Angelica: Nung huling pumunta ka dito naaalala ko pa hinahanap mo ang huling sangkap sa spell ng pagiging immortal pero bago ko maibigay yun sayo nakuha nila sakin kayat yun din ang dahilan kung bakit ka nagwala at sya ring dahilan kung bakit ka nagdurusa ngayon sa katawang hindi mo pagmamayari. Kung gayon anu ang iyong pakay saakin? Kathleen: Nais kong malaman kung nasaan ang aking tunay na katawan at kung nasaan itinago ang Abo ng aking Kapatid na si Joanne. Angelica: Isa lamang ang pwede kong sagutin sa iyong mga katanungan kung kayat mamili ka ang Katawan mo o ang Kapatid mo? Kathleen: Patawad kapatid pero kelangan ko munang mahanap ang Katawan ko upang mas mabilis ang paghahanap sayo. Ang katawan ko ang nais kong malaman kung nasaan. Angelica: Tandaan mo hindi na pwede pang magtanung dito ang kahit na sino mang may kaugnayan sayo upang mapanatili tamang pagtakbo ng landas ng mga tao. Ang iyong katawan ay inilagay sa isang lugar na binabantayan ng malakas na Mandirigma ang iyong katawan ay mahahanap mo sa iyong dating naging Kastilyo ang Kaharian ng Mek Eydams. Kathleen: Salamat kung ganun. Kung gayon aalis narin ako paalam Angelica hanggang sa muli nating pagkikita.[Umalis si Katleen sa bayan ng Hesto Lis Yows at nagtungo sa Kaharian ng Mek Eydams] Angelica: Sana may muli pa tayong pagkikita Kathleen. Sana hindi matupad ang iyong Tadhana na muli kang mamatay at maghahapily ever after ang kwento. Kathleen: Seite naman maguumaga within 5 seconds.*Kathleen Transform* Ayen Ayen: Xanga nasan na kaya ako? [Wassshing tunog ng paglitaw ni Charmaine] Charmaine: Mahal na Prinsesa kasalukuyan po kayong nasa Bayan ng Hesto Lis Yows. Ayen: Ah, Oo naaalala ko na. Ang bayan na to ito yung bayan na sinasabing wala ng nakatirang tao dahil laging may bagyong dumadaan. Ah alam ko na baka may makita ako na Pokemon dito. Tara Cha hanap tayo ng Pokemon. [Naghanap ang dalawa ng Pokemon nang biglang may paparating na SandStorm sa kanila] Charmaine: Mahal na Prinsesa dito po tayo madali! [napasukan nila ang bahay ni Angelica at nagmasid-masid sila] Ayen: Waaaaaa!!! Charmaine: anu po yun mahal na Prinsesa? Andyan na po ako.[Dali-daling bumaba si Charmaine upang makita ang Prinsesa] Ayen: [Ayossss – mga huling salitang nasabi ni Charmaine nang makita si ayen] Hello po. Sino po kayo? Angelica: Ako si Angelica ang nagmamayari ng bahay na ito. Isa rin akong tanungan at tagapagbigay ng mga gamit o sangkap na hindi alam ng mga tao. Ayen: Ganun po ba as in any questions pwede ko itanung? Angelica: Yuppp pero hindi questions kasi isa lang ang pwede isang bagay lang ang pwede mong hingin at isang bagay lang ang pwede mong itanung. Ayen: Ah bale dalawa po isang bagay at isang tanong? Angelica: Tama ka dyan pasok ka sa pinoy records. Ayen: Yehey. Hindi ako nakikipagbiruan sayo ha sagutin mo ang tanong ko! Angelica: Hayss minsan na nga lang magjoke may nagagalit pa oh ano bang tanung mo? Ayen: Bat nangyayari sakin ang mga bagay na to? Angelica: Yun ay dahil daan yan patungo sa iyong tadhana. Ayen: Huh? Yun lang isasagot mo sa tanung ko sayo? Parang walang kwenta yong sagot mo? Angelica: Yun ay dahil totoo lahat yun at yun lang talaga ang sagot sa iyong katanungan. Ayen: Hmmm. Pwede bang iconvert yung bagay na pwede kong makuha sa tanong? Angelica: Hmmmmmmmmm. O sige kung ganun ano ba ang iyong ikalawang katanungan? Ayen: Sino si Kathleen? Ang ibig kong sabihin Sino si Kathleen? Charmaine: Mahal na Prinsesa wala pong pinagkaiba ang inyong tanung hayaan nyo pong ako ang magiba. Ang ibig sabihin ng Prinsesa ay Who is Kathleen? Angelica: O sige wag nyo nang iba-ibahin pa nagets ko naman eh. Ang katunayan nyan si Kathleen ay isang Batang palabuy dati magkasama sila ng Kapatid nyang si Joanne sa lahat ng hirap na pinagdadaanan hanggang sa mapunta sila k |
|
|
|
|
|
Currently listening to: DotA sound effects Currently reading: my story Currently watching: Currently feeling: Maligalig |
|
| Add a Comment |
|